Hindi makatao at labag sa batas ang sinasabing pagpapatupad ng ilang employers ng “no vaccine, no salary” scheme sa kanilang kompanya.
Ito ang binigyang diin ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP kasabay ng panawagan sa Department of Labor and Employment (DOLE) na aksiyunan ang nasabing usapin.
Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na nakatanggap sila ng ulat na iniipit ng ilang employers ang sahod ng mga hindi bakunadong empleyado at hindi ito ibinibigay hangga’t hindi nakapagpapakita ng vaccination cards.
Dahil dito, hinikayat ng TUCP ang DOLE na magsagawa ng inspeksiyon sa mga kompanya upang matiyak na natatanggap ng mga hindi bakunadong manggagawa ang kanilang sahod.