Pinag-aaralan na ng DILG kung paano ipatutupad ang “no vaccine, no subsidy” policy para sa mga hindi pa bakunadong benepisyaryo ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maraming benepisyaryo ang tumatanggi pa ring magpa-bakuna kontra COVID-19.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t isinusulong nila ang pag-ipit sa benepisyo ng mga unvaccinated government aid recipients.
Samantala, naisumite na ng DILG sa DSWD ang panukalang huwag bigyan ng cash assistance ang mga hindi pa bakunadong 4P’s beneficiary.—mula sa paniulat ni Drew Nacino