Pinag aaralan na ng DILG kung paano ipatutupad ang no vaccine, no subsidy policy para sa mga hindi pa bakunadong beneficiary ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maraming 4P’s beneficiaries ang tumatanggi pa ring magpa bakuna kontra COVID 19.
Dahil dito, sinabi ni Malaya na isinusulong nilang ma-disincentivize ang mga unvaccinated government aid recipients.
Naisumite na sa DSWD ang panukalawang huwag bigyan ng cash assistance ang mga hindi pa bakunadong beneficiaries ng 4P’s.