Pinag-aaralan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung paano ipatutupad ang No Vaccine, No Subsidy Policy para sa mga hindi pa bakunadong beneficiary ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maraming 4P’s beneficiaries ang tumatanggi pa ring magpabakuna kontra COVID-19.
Dahil dito, sinabi ni Malaya na isinusulong nila na huwag bigyan ng cash grants ang mga unvaccinated government aid recipients.
Naisumite na aniya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panukalang huwag bigyan ng cash assistance ang mga hindi pa bakunadong benepisyaryo ng 4P’s.—sa panulat ni Hya Ludivico