Hindi sang-ayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa sinasabing polisiya ng ilang kumpanya na “no vaccination, no work” policy.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, walang polisiya o batas ang ipinatutupad ng ahensya.
Hindi aniya praktikal ang naturang polisiya dahil wala pa namang sapat na bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bansa dahilan para hindi makasunod ang maraming manggagawa.
Una rito, itinanggi ni Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr. ang pagpapatupad ng naturang polisiya sa ilang kumpanya.
Aniya, wala siyang ideya tungkol dito at hindi rin umano ito makatwiran.