Required ang COVID-19 vaccination card sa mga dadalaw sa mga sementeryo sa Dumaguete City.
Mahigpit na ipatutupad ng Dumaguete City Police ang ”No Vax Card, No Entry” policy sa paggunita ng Undas, partikular sa All Saints’ Day at All Souls’ Day, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.
Bukas ang mga sementeryo sa siyudad hanggang alas-8:00 ng gabi at hindi papayagan ang mga bisita na mag-overnight.
Hindi rin pahihintulutan ang mga nakakalasing na inumin, deadly weapons at mga bagay na lumilikha ng malalakas na ingay sa loob ng mga sementeryo.
Magkakaroon naman ng police assistance desks at nagkakasa na rin ng traffic plan ang traffic management office ng lungsod para sa entry at exit routes sa panahon ng Undas.