Hindi na oobligahing magpakita ng vaccination card ang mga mananakay sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, aalisin na kasi ang “no vaccination, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) matapos isailalim sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) simula Pebrero 1 hanggang 15.
Matatandaang umani ng kaliwa’t-kanang kritisismo mula sa iba’t ibang sektor ang polisiya ng DOTr dahil isa umano itong uri ng diskriminasyon.