Nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Sa gobyerno na repasuhin ang no vaccine, no ride policy at no vaccine-stay home policy sa mga hindi bakunadong indibidwal.
Ipinunto ng IBP Na maituturing na paglabag sa karapatan ng mga hindi bakunado sa ilalim ng saligang batas ang mga nasabing polisiya.
Kahit anila exempted sa mga polisiya ang mga indibidwal na may religious belief, medical condition at trabaho, hindi ito sapat para makalusot sa mga ligal na kuwestiyon.
Ipinaliwanag ng IBP Na nalilimitahan ang right to travel o movement ng mga hindi bakunado sa ‘no vax, no ride’ at stay home policy.
Wala rin umanong malinaw na batas na pinagbatayan para ilimita ang galaw at magbigay kapangyarihan sa Department of Transportation (DOTR) na higpitan ang kilos ng mga unvaccinated.