Epektibo na simula ngayong araw ang No Vaccine, No Ride policy sa lahat ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila bilang bahagi ng kampanya ng Department of Transportation upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Saklaw ng polisiya ang lahat ng bumibyahe via land, sea at air patungo at palabas ng National Capital Region.
Kailangang magpakita ng vaccination certificates na inisyu ng Department of Health at Inter-Agency Task Force o Local Government Unit at valid government-issued ID ang sinumang gumagamit ng public transportation.
Magtatalaga naman ang DOTr ng mga “mystery passenger” upang matiyak ang pagtalima ng mga mananakay, driver at operator sa polisiya.
Hinimok naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra ang mga jeepney passengers na ipakita ang kanilang vaccination cards sa mga tsuper bago sumakay.
Ganito rin ang magiging sistema sa mga sasakay ng barko, tren at eroplano.