Mahigpit nang ipatutupad ang “no vaccine card, no entry” sa Parañaque City Hall simula ngayong araw bunsod ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases.
Ayon sa Parañaque City Local Government, ang mga empleyado kabilang ang mga bumibisita sa City Hall para sa kanilang transaksyon ay kailangan munang magpakita ng vaccine card bago papasukin sa gusali.
Nilinaw ng City Government na tanging mga fully vaccinated individual ang makakapasok sa loob ng City Hall.
Batay sa datos ng City Health Office at City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 179 na ang bagong kaso ng COVID-19 kaya’t umabot na sa 901 ang kabuuang kaso.
6 sa 16 na barangay ang nakapagtala ng mataas na COVID-19 cases na pinangunahan ng Barangay BF Homes na mayroong 111 cases at sinundan ito ng barangay San Antonio na may 98 cases.