Nanindigan si Senate Majority Leader Allan Peter Cayetano na hindi nito susuportahan ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit makaapekto pa ito sa kanyang posibleng pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Cayetano na kanya lamang susuportahan ang BBL, kung ito ay magiging makatwiran, inclusive, at tiyak na makakapagbigay ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao at hindi lamang para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Iginiit ni Cayetano na mahalagang makamit muna ng SAF 44, at ng iba pang biktima ng terorismo, ang katarungan, dahil ito ang pundasyon ng kapayapaan.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)