Hinimok ng isang grupo ng mga Teacher ang Department of Labor and Employment na suspendihin ang implementasyon ng “No work, no pay” policy sa mga paaralan.
Ito’y makaraang magdeklara ng “Health breaks” ang mga paaralan dahil sa paglobo ng COVID-19 cases.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers-Private Schools Secretary General Jonathan Geronimo, suportado ng kanilang grupo ang Health breaks pero maraming school personnel, tulad ng probationary teachers at contractual workers ang matatapyasan ng sweldo dahil sa polisiya.
Dapat aniyang tiyakin na patuloy na susuweldo ang mga empleyado kahit naka-break at mayorya ay nabawasan ang workloads at kinikita na naka-depende sa oras ng kanilang trabaho.
Nagpadala na ng liham ang Act Private Schools kay Labor Secretary Silvestre Bello III upang i-apela na suspendihin ang polisiya.
Samantala, naniniwala naman si Geronimo na maka-aapekto ang bawas-sahod sa kakayahan ng mga gurong bumili ng pagkain at gamot.