Bumuhos ang pagbati kay Veteran Journalist Maria Ressa matapos itanghal na Nobel Peace Prize Awardee sa taong ito matapos igiit ang Press Freedom sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), ang panalo ni Ressa ay panalo rin ng Press Freedom Advocates ng bansa.
Binigyang diin naman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) na ang nasabing award ni Ressa ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang mamamahayag na inaatake ang kalayaan sa pagsasalita.
Nagpaabot din ng pagbati kay Ressa maging sina UN Secretary General Antonio Guterres, dating US Secretary of State Hillary Clinton at Nobel Laureate Malala Youzafzai.
Sinabi ni Guterres na ang award ni Ressa ay pagkilala sa mahalagang papel ng journalists at pagpapagana ng mga efforts para sa isang Free, Independent and Diverse Media.
Pinuri ni Clinton si Ressa sa nakayanang tila pressure ng Duterte administration dito at paglaban sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa Facebook.
Inihayag naman ni Yousafzai na malaking karangalan ang paglaban ni Ressa sa pagsusulong ng press freedom na dapat aniyang ituloy kasabay ang hamon sa mga lider na palakasin ang social systems.
Maging sina Canadian President Justin Trudeau at us President Joe Biden ay nagpaabot din ng pagbati kay Ressa maging sa kapwa Nobel Peace Prize Awardee na si Dmitry Muratov ng Russia.