Sinasabing nasa Pilipinas ang nobya ng lone suspect sa nangyaring malagim na pamamaril sa Las Vegas, Nevada sa Amerika na ikinasawi ng halos 60.
Ayon sa source ng DWIZ, dumating umano sa Maynila ang tubong La Union na si Marilou Bustos Danley noong Setyembre 25 sakay ng Cebu Pacific Flight 5J-115 mula sa stop over nito sa Hong Kong.
Bagama’t may lahing Pinoy si Danley, isa na siyang Australian citizen at mahigit 20 taon nang naninirarahan sa Amerika bilang casino professional.
Samantala, kinumpirma naman ng BI o Bureau of Immigration na nasa Maynila nga ang tubong La Union na si Danley nang mangyari ang pamamaril na siyang dahilan kaya’y nilinis na ito ng Las Vegas police.
Bagama’t kinumpirma ng immigration bureau na narito sa Pilipinas si Danley, tumanggi nang magdetalye pa si Immigration Spokesperson Atty. Maria Antonette Mangrobang hinggil sa kinaroroonan ni Danley dahil absuwelto na ito sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Amerika.