Hindi na sisingilin sa kuryente ng Marso at Abril ang lifeline users sa buong bansa.
Sakop ng nasabing programa ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, Spokesman ng IATF ang 3-M mahihirap na kumukunsumo ng hanggang 50 kilowatt hour kada buwan.
Sinabi ni Nograles na ang nasabing hakbang ay nakabatay sa initiative ng Philippine Rural Electric Cooperative Association Incorporated (PHILRECA).
Una nang ipinabatid ng National Electrification Administration (NEA) na nagpatupad ng 30 day extension ang 90 electric cooperatives sa buong bansa sa pagbabayad ng kuryente.