Magsasampa ng motion for reconsideration sa tanggapan ng Ombudsman si dating House Speaker Prospero Nograles upang ibasura ang nakaambang kaso ng pandarambong laban sa kanya.
Kasunod ito ng pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kakasuhan si Nograles ng graft at multiple malversation kaugnay sa umano’y paggamit ng dating house speaker ng pdaf ng namayapang Congressman Danilo Lagbas.
Sinabi ni Nograles na mga pekeng dokumento at magkakaibang petsa o timeline ang pinagbatayan ng mga reklamo laban sa kanya.
Dapat aniyang inimbestigahan at siniyasat nang maigi muna ng Ombudsman ang mga nasabing ebidensya.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc