Tumaas na ang testing capacity ng bansa kayat tumataas din ang bilang ng mga nasusuri kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nilinaw ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Spokesman ng IATF sa gitna na rin nang patuloy na paglobo ng mga nakukumpirmang positibo sa COVID-19.
At habang tumataas aniya ang kapasidad sng pagsuri sa mga pasyente asahan na rin ang pag akyat ng bilang ng mga nagpo-positibo
Sinabi pa ni Nograles na dahil sa tumataas na ang bilang ng mga nasusuri higit na tututukan ng gobyerno na mapataas ang bilang ng mga naka recover sa nasabing virus.