Umaapela ng pang-unawa ang gobyerno sa naantalang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 18-M mahihirap na pamilya na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesman ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases ang pagsisikap ng gobyerno para maiabot ang tulong sa mga nangangailangan sa lalong madaling panahon.
Pinamamadali na rin ng IATF ang mga local officials sa pagsusumite ng budget proposal sa DSWD para maibigay na rin kaagad sa mga ito ang social amelioration program budget at maipamahagi na rin sa kanilang constituents.
Ipinabatid ni Nograles na nakapagpalabas na ang DSWD ng mahigit P323-M para sa mahigit labing apat na libong beneficiary na bahagi ng tsuper at transport groups sa NCR at nakapagpalabas na rin ng gobyerno ng P43-B sa mga LGU habang sa bangsamoro region ay P800-M na naipalabas.
Kung susumahin aniya ay nasa 50% na ng P100-B na halaga ng social amelioration program ang nailabas na sa buwang ito.