Palaisipan ngayon kung sino ang magbabayad ng hotel bill ni North Korean Leader Kim Jong Un oras na magpulong sila ni US President Donald Trump sa Singapore sa June 12.
Ayon sa report ng Washington Post, gusto ng Pyongyang na ibang bansa ang magbayad sa tutuluyan ni Kim at ng delegado nito.
Gusto umano ni Kim na tumuloy sa magarbo at 5-star Fullerton Hotel na ang presidential suite ay nagkakahalaga ng mahigit 300,000 piso kada gabi.
Ayon pa sa source ng Washington Post, bukas ang Amerika na bayaran ang hotel bills ng North Korea pero kinukunsidera rin nila na Singapore na siyang host country na ang sumalo ng gastos.
Kung matatandaan, humina ang ekonomiya ng North Korea matapos ang sunod-sunod na parusa o sanctions ng United Nations dahil sa kanilang nuclear program.