Posibleng hindi nagtagumpay ang Ballistic Missile na pinakawalan ng North Korea mula sa isang Submarine.
Ayon sa US Strategic Command, natunton ang nasabing missile sa karagatan sa pagitan ng Korean Peninsula at Japan.
Pinakawalan ang missile sa malapit sa North Korean coastal town ng Sinpo.
Una nang sinabi ng Defense Ministry ng South Korea na sa nasabing lugar nagdedevelop ng submarine launched ballistic missile systems.
By: Avee Devierte