Binuweltahan ng North Korea ang Amerika matapos na ilagay sila sa listahan ng mga bansang sumusuporta sa terorismo.
Ayon sa North Korean Foreign Ministry Spokesman, maituturing na serious provocation o nakakapagpagalit ang ginawa ng Estados Unidos.
Kasabay nito iginiit ng North Korea na walang anumang parusa o pag-pressure ang makakapigil sa kanilang mga plano.
Matatandang inihayag ni US President Donald Trump ang North Korea bilang isang state sponsor of terrorism kamakailan dahil sa patuloy na banta ng pagsasagawa nito ng nuclear missile test at binantaan pang bibigyan ng mas mabigat na sanctions.
—-