Nagpakawala ng dalawang intermediate-range musudan missile ang North Korea.
Batay ito sa impormasyon mula sa South Korea kung saan sinasabing dalawang banned missile ang pinakawalan ng NoKor.
Lumalabas sa ulat na pumalya ang unang tangkang paglulunsad ng missile ng NoKor kayat makalipas lamang ang ilang oras ay muli itong nagpakawala ng ikalawang missile.
Ayon sa Pentagon, kapwa bumagsak ang dalawang missile sa karagatang sakop ng Japan.
Agad namang kinondena ng Estados Unidos ang naturang missile launch ng NoKor na maituturing aniyang isang uri ng probokasyon.
Matatandaang una nang na banned ang Hilagang Korea ng United Nations dahil sa paggamit nito ng ballistic missile technology.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP