Nagbabala ang North Korea na gaganti kapag itinuloy ng US ang gagawin nitong military exercise sa South Korea sa susunod na buwan.
Ayon sa North Korea ang taunang exercise ay isang paghahanda para sa giyera kung kaya’t tiniyak nila ang pagganti.
Sa inilabas na kalatas ng Supreme Command ng Korean People’s Army na magsasagawa sila ng ‘beheading operation’ at ‘high-density strike’.
Aatakihin rin umano ang Presidential Blue House ng South Korea, at mga US bases sa Asya at sa US Mainland.
Tinawag naman ng US at South Korea ang pagbabanta bilang paglabag sa UN Security Council Resolutions.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: KCNA / Reuters