Handa na ang North Korea na maglunsad ng military action o makipagdigma sakaling dumating o makalapit sa Korean Peninsula ang US Naval Strike Group.
Ayon sa NoKor, pagbabayarin nila ang Amerika sa masamang konsekwensya na maaaring idulot ng deployment ng mga warship.
Ipinagmalaki rin ng North Korea na may kakayahan na silang maglunsad ng malaking pag-atake lalo ng kanilang nuclear force.
Naka-puwesto na rin ang mga artillery at missile ng NoKor maging ang kanilang Air Force at Navy ay nakahanda na sa pagdating ng US Naval Strike Group.
Pinulong naman ni North Korean Supreme Leader Kim Jong Un ang lahat ng miyembro ng parliyamento sa Pyongyang subalit hindi pa malinaw kung may kaugnayan sa preparasyon para sa sinasabing malaking digmaan ang naganap na assembly.
Samantala, puspusan na rin ang preparasyon ng South Korea lalo’t ang kabisera na Seoul na malapit lamang sa North Korea ang unang tatamaan ng mga missile sa pinangangambahang pagsiklab ng digmaan.
ByDrew Nacino
NoKor handa nang makipagdigma sa US Naval Group was last modified: April 12th, 2017 by DWIZ 882