Nakahanda ang North Korea na gumanti sa kanilang mga itinuturing na kaaway.
Sinabi ito ni Foreign Minister Ri Yong-Ho, kasunod ng pagpapalipad ng Amerika ng dalawang supersonic bombers sa bahagi ng South Korea, bilang pagpapakita ng puwersa sa NoKor.
Binigyang diin ni Ri na mahalaga para sa seguridad ng kanilang bansa ang ginawang nuclear test, lalo na at madalas gumagawa ng military exercise ang Amerika sa Peninsula.
By Katrina Valle