Hinamon ng Amerika ang North Korea na i-freeze ang nuclear program nito at bumalik sa negosasyon.
Ayon kay US Secretary of State John Kerry, ang pag-freeze sa nuclear program ang unang hakbang para bumalik sa six-party nuclear talks.
Sa pakikipag-usap sa South Korean at Japanese Foreign Ministers, sinabi ni Kerry na nananatili ang commitment ng Amerika sa mutual defense at putulin ang reckless attitude ng Pyongyang.
Inihayag ni Kerry na nakahanda ang Estados Unidos na makipag-usap sa Pyongyang para sa kapayapaan ng Korean Peninsula kapag pumayag ang komunistang bansa sa denuclearization.
Kabilang sa six-party talks ang South Korea, Japan, Russia at China.
By Judith Larino