Naghinay-hinay muna ang North Korea sa planong missile attack sa Guam.
Sa report ng official news agency ng NoKor na KCNA, nais di umano ni NoKor leader Kim Jong Un na subaybayan muna ng mas matagal ang mga kilos ng Estados Unidos.
Ayon umano kay Kim, agad siyang aaksyon sakaling magpatuloy ang Estados Unidos sa mga mapagbantang aksyon nito sa Korean Peninsula na tila humahamon kung hanggang kelan makapagtitimpi ang NoKor.
Una rito, sinasabing hawak na ni Kim ang detalyadong plano ng North Korean army para sa pagpapasabog ng apat na missiles sa karagatang malapit sa US Pacific territory of Guam.
By Len Aguirre