Nagbanta ang North Korea na hindi sila iiwas sa digmaan sa Estados Unidos kung patuloy silang uudyukan.
Ayon sa foreign ministry ng North Korea, ang mga pahayag mula sa matataas na opisyal ng Amerika tungkol sa NoKor, at ang malawakang aerial drills sa pagitan ng South Korea at Washington ay maituturing na pang – uudyok sa North Korea na makidigma.
Binigyang – diin ng North Korea na hindi nila ninanais na makidigma pero, hindi din sila iiwas dito kung kinakailangan.
Tiniyak ng NoKor na pagbabayarin nila ng mahal ang Estados Unidos sa pamamagitan ng kanilang mighty nuclear force.
Magugunitang tinawag ni US President Donald Trump na “sick puppy” ang lider ng North Korea na si Kim Jong – un.
Maliban sa “sick puppy” ay tinawag niya muli si Kim na “little rocket man”.
Kasabay nito, sinabi din ni Trump ang intensyon ng Amerika na mas higpitan ang military forces nito laban sa NoKor matapos itong magpalipad ng ballistic missile noong nakaraang araw.