Sinira na ng North Korea ang nuclear test site nito.
Ayon ito sa media men na inimbitahang sumaksi sa nasabing hakbang bilang goodwill gesture sa itinakdang summit ng NoKor at Amerika sa susunod na buwan.
Sinabi ni Tom Cheshire, journalist mula sa Sky News na sunud-sunod na malalakas na pagsabog ang narinig at naramdaman nila sa nakalipas na mahigit apat na oras.
Ang Punggye-ri ay nagsilbing staging ground ng anim na nuclear tests ng Nokor kabilang ang H-bomb na pinakahuli at itinuturing na isa sa pinakamalakas na ikinasa noong September 2017.
Una nang inimbita ng Pyongyang ang foreign journalists para maging terstigo sa tuluyang pagsira nila sa Punggye-ri facility sa northeastern part ng NoKor.
Duda naman ang ilang experts sa nasabing hakbang ng NoKor dahil uubra anilang mabilis na maitayo ang Punggye-ri facility kung kinakailangan.
—-