Pinatawan ng sanction ng Estados Unidos si North Korean Leader Kim Jong Un.
Ito ay dahil sa pagiging notorious ni Kim sa paglabag sa karapatang pantao.
Ayon sa US Treasury Department ay maapektihan nito ang property at assets ng mga opisyal na saklaw ng Amerika.
Dahil dito, mapapabilang na sa blacklist ang North Korean Leader sa mga pangunahing financial institutions at iba pang kumpanya bukod pa sa pag-freeze sa assets nito na mayroon sa mga bangko sa Amerika.
Ito ang kauna-unahang parusa na ipinataw kay Kim na tiyak anilang ikagagalit ng pinuno ng Hilagang Korea.
By Ralph Obina