Inimbitahan ni North Korean Leader Kim Jong Un si South Korean President Moon Jae-In sa isang pag-uusap sa Pyongyang.
Ang imbitasyon ay ipinaabot mismo ng nakababatang kapatid ng North Korean leader na si Kim Yo Jong sa isang pagpupulong kasama si Moon sa Presidential Blue House sa Seoul.
Ayon kay Kim Yo Jong, nais ng kanyang kapatid at pinuno ng North Korea na personal na makausap si Moon sa Pyongyang sa lalung madaling panahon.
Nagpahayag din aniya si Kim Jung Un ng kagustuhan na mapabuti ang relasyon ng dalawang Korean Countries.
Sakaling matuloy ang pag-uusap, ito na ang magiging kauna-unahang pagpupulong ng dalawang Korean leaders sa loob ng mahigit sampung taon.
Posted by: Robert Eugenio