Nag-iba ang tono ni Pangulong Rodrigo Duterte nang makaharap ang kinatawan ng Democratic People’s Republic of Korea bago matapos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Minister’s Meeting sa PICC o Philippine International Convention Center.
Nang makaharap at makamayan ni Pangulong Duterte si North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho, kanyang sinabi na magiging mabuting dialogue partner ng Pilipinas ang mga ito.
Matatandang noong nakalipas na linggo ay binatikos ng Pangulo si North Korean Leader Kim Jong-un dahil sa madalas na pagsasagawa ng missile testing at tinawag pa niyang baliw.
Ang tensyon sa Korean Peninsula ang isa sa mga isyung tinalakay sa ASEAN Minister’s Summit kung saan nagpahayag ng pagkabahala ang mga delegado sa ginagawang ballistic missile launch ng North Korea.