Inihayag ng mga bansang South Korea at Japan na muling nagpakawala ng umano’y ballistic missile ang North Korea.
Batay sa ulat ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff (JCS) South Korea’s Joint Chiefs of Staff (JCS), nagpaputok ang North Korea sa karagatan ng east coast ng Sunan malapit sa Pyongyang’s international airport.
Tinatayang aabot sa 620 kilometers ang taas ng missile na may layong 300 kilometro.
Ayon sa mga analyst, posibleng medium-range ballistic missile ang pinakawala ng nasabing bansa. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles