Muling nagpalipad ng hinihinalang ballistic missile ang North Korea (NoKor).
Ito’y sa kabila ng paghikayat ng Japan at South Korea (SoKor) at anim na iba pang bansa sa NoKor na umiwas sa paglulunsad ng mga hakbang na maaaring maging banta sa Asia-Pacific Region.
Kinumpirma ng Japan at South Korea na-detect nila ang missile na bumagsak sa East Japan Sea.
Inihayag ng Japanese Coast Guard na bumagsak ang missile sa labas ng kanilang exclusive economic zone.
Agad namang nagpatawag ng National Security Council ang SoKor bilang pagkundena sa hakbang ng NoKor.