Muling nagpakawala ng hinihinalang ballistic missile ang North Korea sa gitna ng umiinit na tensyon sa Korean Peninsula.
Ang ika-labing-apat na missile test ngayong taon ay isinagawa anim na araw bago opisyal na maupo bilang bagong pangulo ng South Korea si Yoon Suk-Yeol.
Kinumpirma ng South Korean Joint Chiefs of Staff na pinalipad ang missile mula sa bahagi ng Pyongyang patungo sa Eastern Coast.
Kamakailan ay nagbanta si NoKor Supreme Leader Kim Jong Un na bibilisan ang pag-develop ng nuclear weapons na gagamitin sa kanilang mga kalaban, partikular sa Amerika at SoKor.