Muling nagpakawala ng missile ang North Korea ngayong umaga na dumaan sa himpapawid ng Japan.
Ayon sa report na-monitor ng Japan satellite ang pagdaan ng missile sa Erimomisaki, isla sa hilagang bahagi ng Hokkaido dahilan upang balaan ang mga residenteng magtungo sa mga ligtas na lugar.
Nahati sa tatlong piraso ang missile bomb bago ito nahulog sa layong 1,180 km malapit sa karagatang sakop ng Japan.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga wala namang napaulat na napinsala ng nasabing missile fire.
Kasabay ng pagkondena ay tinawag itong “most serious and grave threat” ni Japan Prime Minister Shinzo Abe.
“This is a reckless act, it is a serious and grave threat which impairs the safety and peace of the region.”
Aniya sa ngayon ay mas tinututukan nila ang kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.
Kasabay nito ay nananawagan si Abe sa United Nations Security Council na magsagawa ng emergency meeting para mapalakas ang pag-pressure sa North Korea na itigil ang kanilang missile attacks.
AR/ DWIZ 882