Muli na namang nagpakawala ng hindi pa matukoy na uri ng projectiles ang North Korea.
Ayon sa South Korean military, hindi lang isa o dalawa kundi sunud-sunod na projectiles ang pinakawalan ng NoKor sa Sea of Japan.
Inilunsad ang projectiles sa Hodo Peninsula sa Hamgyong Province.
Sinabi ng South Korean military na patuloy ang pag-monitor nila sa sitwasyon at sa posibilidad na magsagawa ng karagdagan pang paglulunsad ng projectiles.
Magugunitang nitong Lunes ay dalawang short range ballistic missiles ang pinakawalan ng Pyongyang sa Sea of Japan.