Tila nauubos na ang pasensya ng Amerika sa patuloy na banta ng North Korea.
Ito’y makaraang muling balaan ni US President Donald Trump ang North Korea dahil sa nadiskubre umano ng US Defense Intelligence Agency na matagumpay na development ng miniature nuclear warheads.
Ayon kay Trump, tiyak na sasalubungin ang North Korea ng apoy at matinding galit na hindi pa nakikita ng mundo sa oras na magpakawala ng panibagong missile.
Batay sa intel report, naghahanda na umano ang North Korea para sa isang panibagong nuclear missile test kung saan maaaring gamitin ang mga bagong develop na miniature warheads.
Gayunman, palaisipan pa kung kailan isasagawa ng North Korea ang panibagong missile launch.
By Drew Nacino