Nagbabala ngayon ang North Korea na magpapakawala ng hydrogen bomb sa karagatang Pasipiko.
Bilang tugon ito ng NoKor sa bantang military action ni US President Donald Trump.
Ayon kay North Korean Foreign Minister Ri Tong Ho, pinakamalakas na hydrogen bomb na kanilang pakakawalan matapos magbanta ang Amerika na wawasakin ang NoKor.
Una nang nagbanta si North Korean Leader Kim Jong – un na maglulunsad ito ng pinakamalaking ganti sa kasaysayan kaugnay ng tumitinding kaguluhan sa rehiyon.