Nagbanta ang North Korea na maglulusad ng nuclear war anumang oras.
Ayon kay North Korean Deputy Ambassador to the United Nations Kim In Ryong, walang intensyon ang NoKor na magbanta ngunit mapipilitan aniya silang gawin ito kung hindi titigil ang Amerika sa mga military activity nito sa Korean Peninsula.
Iginiit pa ni Kim na hindi rin dapat nakikiisa ang iba pang mga bansa sa hakbang ng US military laban sa kanila.
Matatandaang naglunsad ng military exercise ang Amerika kasama ang Japan at South Korea kasunod ng mga missile at nuclear test ng Hilagang Korea.
—-