Naghahanda na ang North Korea para sa isa na namang long range missile test na pinaniniwalaang may kakayahang umabot sa West Coast ng Estados Unidos.
Ito ang isiniwalat ngayon ng Russian lawmaker na si Anton Morozov na miyembro ng Russian Duma’s International Affairs Committee.
Sinabi ni Morozov na kasama ang dalawa pang kapwa mambabatas ay bumisita aniya sila sa North Korea nitong linggo.
Sa kanilang pagbisita ay binigyan pa umano sila ng mathematical calculations para patunayang kayang tumama sa Amerika ng kanilang missiles.
Sinabi ng opisyal na balak isakatuparan ng NoKor ang kanilang planong pagpapakawala ng long range missile sa lalong madaling panahon.