Nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea sa silangang bahagi ng kanilang karagatan.
Ayon sa report ng Yhonhap News Agency, lumipad sa karagatan sa layong 800 kilometro o 500 milya ang ballistic missile.
Ang pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea ay isinagawa sa harap ng tumitinding tensyon sa Korean Peninsula at kasunod ng panibagong UN Security Council resolution laban sa isinagawang nuclear test ng Pyongyang noong Enero.
Sa kabuuan ay may lima nang UN resolution na nag-aatas sa North Korea na wasakin ang kanilang mga armas nukleyar at pagpapatigil sa pagpapakawala nila ng ballistic missiles.
By Len Aguirre
Photo Credit: cnn