Ilang short range projectiles ang pinakawalan sa dagat ng North Korea.
Ito ayon sa South Korea ay ilang oras matapos magdesisyon ang UN Security Council na magkasa ng mga bagong parusa laban sa NoKor dahil sa ika-apat na nuclear test noong January 6 at long range rocket launch noong February 7.
Ang nasabing pagpapalipad ng short range missile ay nagpataas pa ng tensyon sa Korean peninsula.
Sinabi ng SoKor na inaalam pa ng kanilang Defense Ministry kung ang mga nasabing projectiles ay short range missiles o artillery fire.
By Judith Larino