Idineklarang tagumpay ng North Korea ang isinagawa nilang pagpapakawala ng medium range ballistic missile na sinasabing may nuclear warhead.
Sa ulat ng Korean Central News Agency, ginamitan ng solid propellants ang Pukguksong-2 strategic weapon system na pinakawalan sa Banghyeon sa North Pyongan Province.
Ang test fire ay sinaksihan mismo ni North Korean Leader Kim Jong-Un.
Ito ang kauna-unahang pagpapakawala ng missile ng North Korea sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
By Len Aguirre