Nagpaplano na umano ang North Korea ng panibagong nuclear ballistic missile test sa gitna ng napipintong pagbiyahe ni US President Donald trump sa asya, simula bukas.
Ayon sa South Korean Intelligence Service, batay sa kanilang mga nakalap na satellite image ay abala na ang ilang military vehicle sa paligid ng nuclear research institute sa Pyongyang.
Bagaman nawasak ang nuclear testing site ng NoKor sa bayan ng Punggye-ri, pipilitin pa rin ni Supreme Leader Kim Jong Un na perpektuhin ang pag-miniaturized sa mga nuclear warhead na ilalagay sa mga missile.
Samantala, magsisimula ang biyahe ni Trump sa Japan, simula bukas, Nobyembre 4 hanggang 5, susundan ng pagbisita niya sa South Korea sa a-sais hanggang a-syete; sa China simula a-otso hanggang a-nwebe; Vietnam simula a-diyes hanggang a-onse at pinaka-huli sa Pilipinas, sa a-dose hanggang a-trese para sa 2017 ASEAN Summit.
—-