Nanganganib na maranasan muli ang matinding taggutom o famine sa North Korea.
Ito’y sa gitna ng nararanasang matinding tagtuyot sa nakalipas na halos apat na dekada.
Ayon sa United Nations, hindi malayong maulit ang kakulangan sa pagkain sa nokor lalo’t pinatawan ito ng economic sanctions dahil sa nuclear weapon at ballistic missile programs nito.
Posibleng lumala ang sitwasyon sa sandaling magsimula ang lean season mula Mayo hanggang Setyembre kung hindi maglalatag ng maayos na humanitarian effort.