Nakatakda nang palayain ng North Korea ang South Korean fishing vessel na nahuling iligal na naglalayag sa karagatang sakop ng Pyongyang.
Ayon sa North Korean State News Agency, for humanitarian reason ang desisyong palayain ang naturang mga mangingisda.
Ito ay dahil sa umamin naman anila sa kanilang pagkakasala ang naturang mga South Korean at humingi ng paumanhin.
Napatunayan sa imbestigasyon na pangingisda ang pakay ng naturang grupo sa pagpasok sa karagatang sakop ng hilagang Korea.