Patuloy pa rin umano ang North Korea sa paggawa ng nuclear bomb fuel.
Ito ang kinumpirma ni US Secretary of State Mike Pompeo sa kabila ng pangako ng NoKor na denuclearization matapos ang makasaysayang pag-uusap nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Sinabi ni Pompeo na tuloy ang pag-produce ng fissile material ng NoKor.
Taliwas ito sa ulat kahapon na binabaklas na ng NoKor ang kanilang mga pasilidad sa paggawa ng ballistic missile.
—-