Nagpataw ng panibago at mas mabigat na sanction ang Estados Unidos laban sa North Korea.
Ito ay kaugnay pa rin sa patuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor.
Batay sa executive order ng US, naka-freeze ang lahat ng mga ari-arian ng North Korean government na nasa Estados Unidos.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pag-import o pang-angkat ng North Korea sa mga produkto na mula US.
Layon ng naturang mga hakbang na lalo pang pahirapan at paralisahinn ang Hilagang Korea.
Iginiit ni White House Spokesman Josh Earnest na hindi nila maaaring palampasin ang nuclear at ballistic activities ng NoKor at handa aniya ang Amerika na magpataw pa ng mga karagdagang sanction sa Hilagang Korea hanggang sa tumalima ito sa mga pandaigdigang batas.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP