Posibleng magpakawala ang North Korea ng intercontinental ballistic missile anumang oras mula ngayon.
Inihayag ng Foreign Ministry lalo’t na walang ibang dapat sisihin sa development ng kanilang missile program kundi ang Amerika.
Kung hindi umano sila binabantaan ng Estados Unidos ay hindi nila ide-develop ang kanilang nuclear capable ICBM.
Nakahanda namang magpatupad ng karagdagang sanction ang China at South Korea maging ang Amerika laban sa North at kung hindi nito ititigil ang pagpapakawala ng nuclear missile ay mauuwi sa mas matinding tensyon.
By Drew Nacino